Looking for Something?

Tuesday, 27 March 2007

chichirya..bow!

chichirya: chips sa ingles. ito ay ang pagkaing maalat na yari sa harina na saksakan ng alat. kinabog ang isang higanteng butil ng asin. ngunit ang alat nito ay depende sa tatak.

galing lang ako kanina sa sm supermarket dito sa sta. rosa dahil inutusan ako ni mommy na bumili ng juice at ng mame-merienda. lam nyo naman kasi sa bahay namin, mga takot magutom ang mga tao dito...

eh di yun nga. habang iniisa-isa ko yung mga rack dun, napansin ko na...(jenjeneneng!) meron ulit na cheez-ums. yung chichiryang kulay green yung balot na sobrang sikat nung bata pa ako. hanep! nabuhay ulit yun, kinabog si lazaro.

eh matapos kong makita yon, naghanap tuloy ako nung mga dating chichirya, baka sakaling nabuhay ulit. kaso wala talaga eh. aliw na aliw pa naman din ako dati dun sa chickadeez corn chips na may libreng laruan palagi. pati yung ding dong chocolate covered wafer balls na may free na parang yoyo pati yung hinihipang laruang di-ko-mawari-kung-bakit-ako-natutuwa-dun-dati. eh sinong makakalimot sa tagpi-pisong cheese dog? hay naku, ang sarap.

sabi nga ng nanay ko, napakahilig nga daw naming magkakapatid sa chichirya. naisip ko nga na totoo yun. kasi nung may tindahan pa yung tita ko dati, laging chichirya yung unang-una kong kinukuha kapag pinapayagan kaming kumuha ng merienda.

at ngayon ko lang naisip na napakaswerte ko pala...kasi hindi ako nagkaroon ng glomerulonephritis. hahaha.

salamat na rin siguro sa kalikutan ko nung bata ako. kung hindi ako naging malikot, hindi ako pagpapawisan at hindi ako makakainom ng maraming tubig. buti na lang...kahit ilang beses akong napalo sa pwet ng dahil sa kalikutan ko.

mabuhay ang mga batang malilikot na mahilig sa chichirya!

haha. :)

No comments: