Looking for Something?

Friday, 4 May 2007

who's who

o, kilala mo pa ba sila?
1.
2.
3.

kung nakilala mo, ayos! pareho tayong nanonood nito dati nung tayo'y mga toto at nene pa lang. lahat ito palabas sa ibc-13 every saturday, 5:00 PM hanggang 6:00 PM (yata). basta parte na yan ng schedule ko ng saturday tv viewing.

natawa nga ako nung nakita ko na palabas ulit sa hero tv yung shaider. sobrang crush ko si alexis dati. kaya nga nung narinig ko na deds na pala si ginoong hiroshi tsuburaya (yung gumanap na alexis), nalungkot ako. napakalaki ng nagawa niya para hindi maging boring ang hapon ko tuwing sabado kaya saludo ako sa kanya. :)

balita ko magkakaroon ng tv series sa gma ang shaider, maskman, at bioman. nyeta, ayusin nila yan lalo na yung shaider. kapag isang nagbibinaklang artista yung gumanap na shaider, hay naku, parang nilapastangan nyo na rin ang alaala ni hiroshi tsuburaya. (ay, kamag-anak?!)

o kung hindi na naaalala, yung #1 si alexis ng shaider, #2 yung maskman, at #3 yung bioman. sos, ayaw lang umamin na naging jologs din siya! joke!

No comments: