Looking for Something?

Thursday, 19 July 2007

pets that have gone by...

since i have mentioned muning and ginger before, here are some random facts about them and some of their photos:

ginger: ang sosyaling aso..
> hiningi ni toper kina ninang volet
> ang pangalan ng nanay niya ay nala
> ayaw matulog sa sahig..kailangan nilalatagan ng basahan.
> palaging nakahiga sa tahi ni mommy
> pihikan sa pagkain pero matakaw...umakyat siya dati sa table at nakita ko na lang na tinitira na ang goto ni charmaine.
> sobrang takot sa tubig...grabeng pumalag kapag papaliguan
> gustong-gusto magpa-"tummy rub".
> eskandalosa, konting madali mo siya, mag-iingay na. lalo na kapag papaturukan ng anti-rabies, di pa tinutusok, nagwawala na.
> trusty dog...mahilig tumahol kapag may strangers
> always keeps you company..lalo na kapag mag-isa ka lang sa bahay. susundan ka niya kung san ka pupunta. kunwari nasa loob ako ng kwarto ko, sisilip yan para makita niyang andun nga ako. minsan andon lang siya, minsan aalis na lang pero babalik
> ang laki ng takot nyan kay daddy..marinig lang niya ang yabag ng paa ni daddy, umaalis na yan. alam na kasi niya na papagalitan siya o kaya papaluin para lumabas. ayaw kasi ni daddy na may aso sa loob ng bahay.
> di masyadong takot kay mommy. big sad puppy dog eyes lang ang katapat ng sermon, patatawarin na rin ni mommy with matching yakap pa.
> mahilig humiga sa sofa set at sa kama namin
> dating kaaway ni ate richelle..pero best friends na sila ngayon
> ka-love team niya si butch, yung aso ng kapitbahay namin.
> gusting-gusto niyang ngatngatin yung dulo ng talong na natitira sa torta
> may 5 naging anak, namatay lahat…> binihisan siya dati ni toper at charmaine ng vest (aka chaleco) na uniform dati ni toper nung nursery siya. kaso isang araw biglang umuwi si ginger na din a suot yun. sabi ni toper baka yung mga taga-queen anne ang nag-alis. isipin nyo, yung uniform ng school mo ang suot ng aso, di ka ba magdadalawang isip na tanggalin yun?

ngayon, si muning naman…before, we don't have a cat. my lola loreta is the only person i know who loves cats. now, i do love them.

muning: mukhang sosyalin pero barubal na pusa
> napulot naming siya ni charmaine sa kisame ng bodega naming dun sa dati naming bahay
> mahilig mandagit ng pagkain...kahit busog na siya
> friends sila dati ni ginger…simula nung nanganak si ginger kay baki, naging magka-away na sila
> kaibigan niya yung aso ng mananahi naming dati na si ate mila. minsan tabi pa sila kung matulog…
> may tropa siya dun sa dati naming bahay. kaso nagkahiwa-hiwalay sila nung lumipat na kami ng bahay. si muning lang kasi yung sinama ni mommy.
> magaling manghuli ng daga. promise! di niya talaga uurungan. madugong habulan ang mangyayari tapos mahuhuli din niya in the end.
> nagtitira ng isang parte ng daga..katulad ng ulo. nagulat nga si charmaine kasi kakaiba yung pakiramdam kapag tinatapak niya yung sapatos niya. only to find out na nakatapak siya ng ulo ng daga na iniwan ni muning sa basahan sa tapat ng sink.
> maraming beses na nakunan..
> parang naloka yata to dati nung biglang namatay yung 3 anak niya. laging ngumingiyaw tapos tumatabi sa amin sa kama sa gabi. nagulat ako one time kasi nagising ako ng madaling araw kasi mabigat ang ulo ko..andun siya sa ulunan ko, natutulog.
> mahilig magpahimas ng tiyan…
> nilagyan namin siya ng kwintas na may pendant na galing sa lumang chandelier naming. dati, di siya umuwi, natakot kami kasi baka nakidnap na!
> astig ang mga nanligaw ditto. merong siamese cat na todo papansin talaga tapos mga barakong pusa na matataba. halos lahat cute. except kay mr. suave, mukhang gusgusin
> kumakain si muning ng gulay! mahilig siya sa kangkong…
> dati nakipag-away yan, umuwi na may malaking sugat sa mukha. ginamot namin ni ate richelle. napag-practisan ko tuloy siya ng wound cleaning.

i really love them both. sayang nga lang at namatay sila...on the same year pa. joke nga dito sa bahay, sukob daw sila sa taon...haha.

we don’t own a dog anymore. bingo and gats were too hyper and keeps on gnawing on her work so mommy had to give them away. we only have evil kitty as a pet. yun lang!

2 comments:

SEO Services said...

I really love Dogs, we have one adorable yet obnoxious (sometimes) friend, We have a Dog, his name is Sparky, when we arrive in our house he will never stop barking, jumping and running as if he is excited about seeing us, it feels really wonderful to have such a dog who will feeds you with so much love, just like you dog, he doesn't like taking a bath nor being injected with anti-rabies, when we wanted to have him washed, he would run around the house evading the water, LOL, how I miss my dog..

kc said...

@ SEO Services: yeah. i love dogs too. until now, we still don't have a dog. we've got 2 dogs that were supposed to replace ginger but sadly, they were too hyper for my mom so we had to find them a new home.

our dogs have a lot in common, i see..