Looking for Something?

Monday, 6 August 2007

la-la-la-la-love

naantig naman ako sa blog entry ni cory so naisip ko din na isulat ang ilang bahagi ng aking pinag-uusapan at naiisyung buhay pag-ibig…

maraming nagagahan sa akin nung nalaman nila na wala pang developments sa aming dalawa ni “ice king”. ahem! keber nila. di naman nila alam ang mga dahilan ko no! for starters, ako ay miyembro ng NBSB (no boyfriend since birth) at ang mga tipo kong boylet ay matalino, ayos ang sense of humor, mabait, malawak ang pag-unawa, matangkad, matangos ang ilong, (o sige na nga) at gwapo. malaking himala na lang kung may haharot sa akin na isang bagitong brusko na ganito ang description.

then it happened.

nakilala ko si ice king. ibubulgar ko na nga yung pangalan niya…siya si marcus raphael (gusto ko sanang lagyan ng picture nya kaso shy type yun). sa tingin ko, siya na nga yata ang hinihintay ko na makasama sa aking nagyeyelong kaharian. kaso, naisip ko, baka kaya ko lang nasasabi yan ay dahil sa siya yung talagang trip kong maging jowais. isipin nyo yun, lahat ng gusto ko nasa kanya na. may add-ons pa: champion swimmer, nakakapagpadugo ng ilong ang english, at hanep sa simplification ng medical lectures.

nauntog lang ako at naisip ko na hindi lang naman yung mga gusto ko sa isang guy ang basis na magiging mabuting jowais siya. kailangan ko muna siyang kilalaning mabuti kaya di kailangang magtaka kung bakit wala pang nangyayaring muy romantico sa aming dalawa. sus! di ko naman ikamamatay kung wala pa akong boyfriend.

at ang nakaka-jirita jackson lang ay masyadong big deal sa aking ilang ka-eskwela na ang ka-date ko ay doctor. sus! kung ano-ano ang mga naririnig kong mga kwento, mapanira man o mapa-wala lang. dahil neophyte lang ako sa ganitong sitwasyon, medyo nawindang ako pero nabawi ko na naman ang aking tamang pag-iisip.

i’m in a very “crucial” period. so para sa mga kating-kating malaman na kaming-kami na, utang na loob, hindi ako nagmamadali kaya wag akong madaliin. para silang KC na tumira ng 4 na mug ng kape…kaya bahala na silang magkaron ng dysrhythmia. harhar!

…at magkakape muna ako.

5 comments:

Adam said...

hhaha KC, maybe you should post an English version?

kc said...

haha. i'll give you a lowdown on what i wrote..

cors said...

wohoo!kapwa nbsb!pero mukhang malapit ka na umalis sa organization.hehehe..=) Good luck...

nelo said...

hehe! hayaan mo na yang mga tsismosa mga inggit lang yun...tama yang ginagawa mo..hinay hinay lang baka may ugaling hannibal si doc :D

kc said...

@ cors: uy, di ko mapuntahan ang blog mo..laging may error chuva daw. anyway, medyo matagal pa naman yun. masaya naman ako kahit nbsb pa rin ako.

@ nelo: harhar. naloka naman ako sa ugaling hannibal. as for the chismosas, wa na ako care sa kanila kasi inggit nga lang sila. saka na lang ako magrerebolusyon kapag masyado nang nakakasira ng pagkatao ang pinagkakalat nila.

..kaya magbabalik po ang: DA BAAAAZ!