Looking for Something?

Sunday, 16 September 2007

Duty Galore! Part 1

Someone sent me an email asking about my clinical exposures. Naintriga daw itong si Neneng sa mga OR photos ko on my previous post, "Oh Operating Room". She was asking what are the most unforgettable clinical exposures I've ever had be it full of learning, funny experiences or with plain impakto modalities. Tip ko lang sa iyo Neneng, ok lang ang magtanong. Di bale na magmukha kang tanga kaysa sa manatiling tanga. Asus! Whatevs. So here goes...

SECOND YEAR
  • ParaƱaque Community Hospital: Delivery Room-Nursery- Under Mrs. Flores kami nito sa Nursery. Dahil ako ang taga-abot ng mga gamit sa classmate ko (OR nurse in the making?), she expected na tuturuan ko yung mga susunod na taga-abot. Tinuruan ko naman kaso sa sobrang takot niya kay Ms. Flores, puro mali ang naabot niya. So eto binengga niya ako kahit busy ako sa pag-aayos ng mga chuva ng baby.
  • Cardinal Santos Medical Center: 2 Main (OB-GYN)- Comedy yung patient ko. UP Manila siya grad so tinatanong niya kung kamusta na ang Diners, kung di pa daw kinakain ng anay ang Dentistry Building, etc. At galit na galit siya dahil ang bagal daw ng pangit niyang asawa. Nung biglang pumasok, hubba-hubba! Yun pala ang pangit para sa kanya! Nyahaha!

THIRD YEAR- andami dito...hihi!

  • Philippine General Hospital: Operating Room- Assigned ako sa Above the Knee Amputation at pinagbuhat ako ng consultant ng amputated leg. No choice, binuhat ko na lang at sinabing, "Doc, astig po ito no, parang Chinese ham". Nagtawanan sila. Pinagtripan lang pala nila ako dahil titingnan nila kung totoong maarte ang Paulinians. I assisted din sa Repair of Lipomyomeningocoele, Intramedullary Nailing, Lumbar Laminectomy to name a few.
  • Philippine General Hospital: Trauma Ward- Winner si Madame chief nurse na tuwing 8 AM, nag-uumpisa na ang ratrat niyan tungkol sa "Cleanliness is next to Godliness". Voltron, defender of the nursing universe si Madame. Nagsagutan pa sila nung GS na doktor (code name: Edu Manzano) sa harapan ko dahil narinig ni Madam na binabalahura ako nung si Edu Manzano. Kaya after nun, super bait na sa akin ni Doc Edu, at Ma'am na ang tawag sa akin.
  • Philippine General Hospital: Orthopedic Ward-Spine Unit- Walangya. Dito ko naipahiya ang sarili ko. Lech. Kailangan kasi ng ward class na may halong play to maintain the interest ng mga patients at mga bantay. Ako ang ginawang bida dahil ako lang yata ang may makapal na mukha sa grupo. So para totohanan ang aksidente, gumulong ako sa sahig tas umiyak ako a la Juday in her api roles. Akala nga nung mga intern totohanang aksidente kaya uzi mode sila. Tuwang-tuwa naman ang mga pasyente pati yung head nurse at dahil dun naalala nila ang Range of Motion exercises. Sus! click nyo na lang ito kung bakit memorable din ang ortho ward. Wakokok!
  • Manila Doctors Hospital: Operating Room- First time ko mag-assist sa Excision Biopsy. At dude, parang meatball ang nakuhang tumor sa breast nung patient. Bengga galore din! Sinabon ako dahil sumunod ako sa mga classmates ko na nagpunta sa Greenwich para sunduin sila. Bawal kasi yun. Sus! Damay ito.
  • Cardinal Santos Medical Center: Operating Room- Naging Ophtha Queen ako dito dahil lagi akong kinukuha sa Ophthalmic surgeries. Nakapag-observe kami ng Kidney transplant atsaka Double Coronary Artery Bypass Graft (CABG). At moral lesson: Huwag mag-assist sa plastic surgeries. Nuknukan ng tagal at sobrang BOR-ING!
  • Fort Bonifacio General Hospital: Male Medical-Surgical Ward- Dahil masyadong mahigpit si Ms. Alfaro, maraming nabenggang mga team leader ahead of me. Malas na pagkakataong bilang team leader, tamad pa naman ako. Dahil ayokong mabengga, naging masipag ako kaya maganda ang evaluation sa akin. Pinabubura ko rin sa sample charting ang "VS taken and recorded" at yung "Due meds given". I don't do double charting no! Dito ko natutunan na maging masipag, ang mahirap na gawain ng mga sundalo at ang kahalagahan ng Sambong sa mga may UTI. At may pogi-ta pala dito..Dr. Adrales. Hihi!

Yung iba sa part 2 na para hindi masyadong mahaba at boring....

2 comments:

icka said...

haha meatballs anyone? tumor pala. haha. nwalan din kami ng gana nung graveyard shift namin panu 2x ang biopsy nung araw na yun at humabol ang cranio mga 5 am na ola xmpre duguan na, gutom ka pa.. ang baon namin puro burger courtesy of burger machine sa kanto...haha

infairness reminiscing moment ang entry mo, me too i miss my duty days and duty partners... prang block grp na kame kaya ayun sama sama sa kahit anung trip.

kc said...

*lol* @ burger machine after ng biopsy ek-ek.

ang hindi ko malilimutan sa OR nag-assist ako ng IM nailing case. Pag-uwi ko sa bahay, bulalo ang ulam. Wahaha! Kumain pa rin ako..gutom ako eh.

True. Sa lahat ng mga naka-group ko sa RLE, feeling ko isa kaming malaking barkada. Iisa ang trip sa buhay..ang kumain. =)