Looking for Something?

Sunday, 16 September 2007

Duty Galore! Part 2

Continuation ng part 1..malamang!

THIRD YEAR
  • National Center for Mental Health: Pavilion 3- Dito ako nakapanood ng Electroconvulsive therapy. I don't want to go into detail dahil parang ako ang nasasaktan kapag naaalala ko yung patient. Dito ko rin napatunayan na maganda ang may mabilis na reflexes para kapag sinakal ka ng patient mo matapos kang kumanta ng "bulaklak" ng Viva Hotbabes, makakabawi ka agad At maire-restrain mo siya. At please, don't use novelty songs anymore...
  • San Lazaro Hospital- Di ako masaya dito. Nag-aagawan kasi sa isang patient. Sus! Pero marami akong natutunan about communicable diseases dito. Syemps, may play ek-ek na naman at ako na naman ang salarin.
  • East Avenue Medical Center: Delivery Room- Case galore dito. Hihi! Dito ako nakaputol ng umbilical cord habang inilalabas ang placenta. Syet. Sumirit ang dugo, a la Trevi Fountain. Eek! First time ko rin magparticipate sa emergency baptism nung ipinanganak na deds yung baby. Dito ko rin na-experience na makatandem sa pag-sigaw sa pasyente ang isang OB-GYN. Kasi dumating si patient G5 P4 (na hindi nagpapacheck-up) sa labor room. Super nagwawala due to labor pain, nasapak kaming dalawa ni doktora. To add insult to the injury, pagtanggal ko sa undies ni patient, crowning na pala at PAA ang nakalabas. Sabay tadyak pa sa amin ni doktora so nasigawan namin ang bayolenteng ate.
FOURTH YEAR
  • Philipine General Hospital: Neonatal Intensive Care Unit- First time ko maghandle ng patient na may Hydrops Fetalis atsaka Neonatal Syphilis. At dito kami nasabihan na worst group..only to find out na lahat pala ng grupo naging worst group. Hihi!
  • Philippine General Hospital: Central Intensive Care Unit- Dito ko na-utilize ang knowledge ko sa Pharmacology. Favorite subject ko kasi yun...anyway, marami akong na-encounter na drugs dito na never ko pang narinig. Plus first time ko mag-tracheostomy care dito kaya pagtapos ng rotation, hustler na rin ako dun. Yay!
  • Philippine General Hospital: Pediatric Ward- Sa sobrang pagka-intrimitida ko, lagi akong sumasama sa hemodialysis sessions ng patient ko. So because of that natutunan ko ang mechanism ng hemodialysis. Dito rin ako nakakita ng platelet count na less than 10.
  • East Avenue Medical Center: 5N (Male Medical Ward)- Dito ko nakuha ang line of the year: "This is unprofessional and unremarkable charting, Miss Cervales". Woohoo! Patay tayo diyan kay Ms. Olivar! Eh siya ang nagipilit na checkan ang sample charting ko kahit di pa ako tapos. Dito ko rin na experience na makakita ng patient na nilalabasan ng colonic tissues due to extensive amoebiasis. Oo nga pala, Cory: Kamusta na si Reesee?! Nyahaha!
  • East Avenue Medical Center: ER Ward- Bionic ang role ng lola ninyo dito. Isipin ninyo: 8 patients ang handle ko dito plus may 2 pang incoming galing sa ER. Ang masaya pa nito, talagang bedside ang trabaho ko. Whoopee! Dumating pa yung dalawang hinihintay galing ER. So sampung pasyente ang hawak ko ngayon. Wala na ngang kainan para lang matapos ang trabaho ko...at in fairness, 2nd ako sa mga natapos. Yehey, early lunch ako!
  • East Avenue Medical Center: Pediatric Ward- Wala naman masyadong nag-code dito nung duty namin. Masaya naman dahil may mga magagandang case katulad ng Cancer. Tanungin nyo na lang si Cory. Team Leader namin siya diyan eh. Woot woot!
  • Manila Doctors Hospital: Emergency Room- Try nyo mag-manage ng pasyenteng suspected with meningococcemia. Dito ko na-experience yun. Masaya kaso nakakabanas kasi nung naghahatian na ng gagawin, nilayasan ako ng mga kasama so. No choice, meningo is here to stay. Buti negative.
  • Philippine General Hospital: Operating Room (ulit)- Specialization ko na ito. Mas magaganda na ang cases na na-assist ko tapos dito ko rin na-discover na OR nurses aren't relegated lang sa loob ng OR. Nakapag-duty rin ako sa Post Anesthesia Care Unit. Masaya din kahit toxic...think: mag-isa ka lang tapos lahat ng pay patients (including pedia) sa iyo. Woohoo! Ilan sa mga cases na na-assist ko ay Craniotomy, Exploratory Laparotomy with distal pancreatectomy and splenectomy, Tenorrhapy at Phrenicorrhapy.

So ayun. Sana naliwanagan ka Neneng at nakita mong kahit toxic, masaya ang maging nurse. Salamat sa email mo! =)

11 comments:

cors said...

wow!ang cool ng experiences mo=)...too bad, when we were in NCMH,hindi ako nakakita ng patient undergoing ECT...instead ang nakita ko mga hubad na lalaki.asar.haha..pero enjoy din dun kasi nakakatuwa yung patients.parang mas masaya pa sila kausap compared sa "normal" people.mas compassionate pa sila.hehehe.ayun lang...sana makabalik ulit ako dun=).Balik tayo!hehe

.: jackie :. said...

wow naman. how i wish i can line myself sa nursing field. sad to say, i wasnt given a chance to do so. haiz ;)

Cory said...

ay can relate ang drama groupmate!!! una akong umiyak sa patient nung sa PGH-pedia tayo. nung namatay si sophia d/t ALL (na siyang tinutukoy mo na below 10 ang platelet). dun lang ako nakaexperience na nahirapan mag insert ng foley cath sa sobrang daming blood clot na pati mga orifice nya hindi mo ma differentiate. luhaan kami ni lea nun. at saka si copper! tanda mo pa ba un? ung pt ni bacosa na ung dx nya hindi natin mapronounce sa sobrang kakaiba. oh saka madaming TOF dun kaya astig saka sarap utuin ni mariaflordeliza at ang cute ni Dagul bugnutin. haha.

at ang eamc-5north! susme! bengga ang mga tao araw araw! buti na nga lang lagi umaalis si olivar. at ang professionalism effect! kelangan last name pa ang tawagan! sisisgaw ka sa hallway ng "Riz! este Ms. Butalid!" pag anjan si Olivar sa tabi tabi. haha comedy!

ay girl at ang NICU! oo worst group daw tayo sabi ni sabayle! pano ba naman napaka perfectionist nya kaya sa cord care! naku si Joyce at Bebe ang giling nun! haha. tanda ko nga nung tinanong ko c ms. kung ano ang HMD aba hindi nya alam at omg super takot ako nung nasa part tayo ng nicu na kasing liit ng daga ang mga sanggol.

nung nasa CICU naman tayo with porsching. omg ang boring dun kasi 1:1 tapos pt ko pa may enceph. dun ako binastos ni porsching naku hindi ko malilimutan un! poreber! at ang test pati natin na receiving of endorsement. astig! haha. tapos nung kakain ng lunch pumasok si porsching dun sa canteen sa bungad ng pgh, ung sa mga med student. tapos iniwan ba naman nila joyce! haha ang ending sumunod din si porsching sa cafeteria. bongga!

ung sa EAMC-pedia naman na TL ako. yuck hindi naman memorable un. ang tanda ko lang nilagnat ako nun while on duty saka na si Vanessa (ung CI) eh ginagawa tayong elementary na kada VS eh kelangan ipacheck sa kanya. ok ka lang. badtrip. ah onga pala saka na nagbebenta sya ng swarovski na eklavu. haha.

sa EAMC-OBS naman, ay masaya kasi si Ms. Dimalibot and CI! i suuuuuppppeeer love her to the max talaga. na kahit sobrang dami nating pt lagi hindi tayo natotoxic at masaya pa din tayo. mabagal nga lang si riz at bacosa dahil OA mag NPI. haha. uy pero love nya group natin! yehey!

o sya tama na! dami kong nasabi...natuwa lang ako sa post mo. brings back mems. ;) iLoveit and imiss school!

kc said...

@ cors: harhar. saya sa mental no? kaso dun kami sa mga malala nilagay so hindi ko ma-feel na masarap silang kausap. hay. pero masaya naman ang experience. marami akong natutunan dun.

sige balik tayo...pag petiks mode ka na. hihi!

ruff nurse-du-jour said...

Ang ganda naman ng posts mo kc, bumabalik sa isipan ko yung mga pinag-gagagawa ko nung estudyante pa ko. Haaaaay. =)

Tenorrhapy at phrenicorrhapy? Sosyalin naman. Ako, ayoko nun ng operating room eh, marami kasing masusungit na siruhano eh. Sa case ko naman, ayoko ng ortho surgery (masusungit sila bagamat mabilis ang mga operasyon nila), mas gusto ko yung mga madadali lang (appendectory, o herniorrhapy). Minsan kasi nag-assist ako ng cranioplasty, pambihira, 10 oras na akong nakatayo, kulang na lang magreklamo na yung mga ugat ko sa binti eh. Hehehe.

MS pa rin ang paborito ko. Hehehe. At intensive care units. =)

kc said...

@ jackie: why wasn't it possible? oh well if it's possible now, maybe you can do so. =)

thanks ateng. i loved your post about mano po 5. =)

@ cory: uy, memory lane. yung sa PGH-pedia, kerek si sophia yun. napanaginipan pa namin sha ni madz before sha mag-expire...she was saying thank you. creepy!

naalala mo ba ang organizational chart na ni-request ng mga taga EAMC-Pedia? sooo colorful at naliligo kay winnie the pooh, tigger at piglet. haha!

na-miss ko rin ang school... =)

kc said...

@ ruff: may nagtanong kasi sa akin na nursing student. so naisipan kong i-share yung ilang kwentong duty. but anyway, thanks. i love your posts more. =)

i remember my reaction nung narinig kong tenorrhapy. naisip ko tuloy, ano yun?! during the surgery ko lang nalaman na repair of tendons pala yun. haha! in my case mababait naman mostly yung mga siruhanong nakakasalamuha ko. nagdidiscuss pa nga minsan. ang nakakaloka pa nito, minsan yung tanong nila pang-med students...tinanong ba naman ako kung paano ko malalaman na cauda equina na yung nakikita ko. sus! malay ko ba?!

true. i love MS kahit na average lang ang grades ko dun. anyway, your grades aren't the measure of your interest or skill proficiency. i also enjoyed my ICU rotations but i love the OR more.

nelo said...

nakakatuwa naman yan..andami mo ng na-experience as nurse..madami akong hindi naintindihan na medical terms..haha!

mukhang masaya nga maging nurse..pero ako hanggat maaari ayokong pumupunta ng ospital. ginaganahan lang ako pag may mga magagandang nurse na padaan daan.

kc said...

@ nelo: oo nga eh ang dami na rin. pero syempre iba pa rin yung experience ng estudyante sa totohanang nurse. hihi! pero alam ko naman na magagamit ko rin lahat ng natutunan ko.

haha! sa cardianl santos maraming magandang nurse. sana hindi pa sila nagre-resign. oops!

ayos talaga ang bago mong taguan ha? try mong gawing taguan ang ospital..hee-yok! =)

adam said...

wow KC! there's no doubt in my mind that I know you're going to make an awesome nurse!

KC said...

thanks adam. =)