Looking for Something?

Wednesday, 26 September 2007

Holy Horrors!

My sister and I were talking about some urban legends and stuff. Then suddenly, we shifted it to hospital horror stories. Whee, ang saya palang mag-night duty kapag alam mong may moo-moo!

When I had my elective in the operating room (PM duty ako nito), I was roaming around since there were no cases yet. I wandered over to the RCB of the OR complex...alone. Syemps, dahil wala nang case, patay na lahat ng ilaw sa OR suites except sa hallway and a radio was playing loudly. Medyo kinilabutan ako ng walang dahilan pero wa ako care dahil talagang nababagot ako sa LCB. Nakita ako ni Kuya Jerry, yung repa-peeps kong IW tapos sabi niya, may multo daw dun. Then he told me one experience that he can't forget. They were fixing a certain OR suite in the RCB when one of his colleagues was nudged by something twice. The colleague kept looking but there was nobody there. On the third time, he was tapped in the shoulder. To see if his companions aren't fooling around, the colleague bent over and looked..at ang nakita niya ay bare, ghostly pale legs. Kaya pala ako kinilabutan ng walang dahilan...


Kwento naman ng ate ko, (di naman super horror factor) yung tungkol kay "Resident Pusa" sa ward nila. The cat lurks at a certain room and then after a few minutes, the patient occupying that room goes into arrest and then eventually dies. Just read the details here.
Can't wait to work night shifts. Haha! =)

12 comments:

ruff nurse-du-jour said...

Yeah hospitals are one of the very haunted places, especially sa ICU (scareeeh daming namamatay). =(

When I was a beginning nurse then, despite all efforts of blocking them off of my attention, their presence is too tremendous not to pay any attention to. But when I learn that “crying voices,” “little children running around,” and “someone pulling their linens off” among others are usual encounters & are common complaints by pts themselves, I felt some sense of reassurance. Atleast hindi lang ako ang nakakakita diba?

Share ko sayo ung case ng pt ko dati:

Kinocomplain nya na meron daw batang sumasakal sa kanya sa room na yun. Lagi daw siyang sinasakal, hinihila yung paa, tinatanggalan ng linen etc. So ang plan, ilipat cya ng room. Habang nililipat siya ng room sa hallway, bigla cyang nag-panic "sinusundan daw siya" tapos yun nag-cardiac arrest - sa HALLWAY. Walang attributable cause. BIGLAAN TALAGA. Narevive naman cya fortunately. Pero everytime may naaadmit sa room na yun, laging ganun ung complaint sobra. Everytime assigned sa akin yung room na yun, I always make sure to bring a companion with me. Its really scary.

In fairness, yung case ng pt ko na yun, naka-chart pa yung mga GHOSTLY ENCOUNTERS nya sa physician's progress notes tsaka nurses notes.

i was reserving the post for holloween but what the heck, sa sobrang dami ng ghost stories sa ospital na yun, parang halloween na rin araw2x sorry ang haba. hahaha. na-carried-away lang.

kalansaycollector said...

whoa! medyo connected sa post kong bago kasi horror-horroran din.

i love ghost stories! ;p

kc said...

@ Ruff: Kalurki naman yang kwento mo. Tama sa ICU maraming kwentong kababalaghan...sa ospital na kapitbahay ng iskwelahan namin, may nakikita yung mga pasyenteng awake and coherent, pati na rin ang mga nurse at mga bantay, na malaking mama na nananabako sa may puno.

Haha OK lang. I'll be waiting for your Halloween post.

Actually marami pa akong alam at naramdaman nung elective ko sa OR pero ayoko na lang i-entertain. May nakapagsabi kasi sa akin na kapag ine-entertain daw, nabubuksan ang third eye. Sus! Ayoko nun.

kc said...

@ kalansay collector: Wow! Di ba sa ikswelahan ninyo maraming kwentong kababalaghan? gusto ko sa building nyo naman para bago. Sawa na ako sa Med building atsaka sa Ospital. Harhar. =)

Cory said...

linsyak...kinilabutan ako madaling araw pa naman dito at mag-isa akong gising. creepy. i like cats but that cat's scary.

KC said...

Haha Cory. I still have to tell you the story nung in-house. Nagdadasal kasi kami ng rosary which starts at past 8pm. Usually 9:15pm nasa 5th mystery na kami. Kapag ganong oras na, nag-uumpisa na akong kilabutan at pagpawisan dahil alam ko na magkakaroon na ng eerie male voice na sumasabay sa amin sa pagdadasal. Minsan babae, minsan bata. Basta nakakakilabot shang pakinggan.

Sabi lang ni Elsa-boii, "Ayaw nyo nun? Pinagdadasal nila kayo"

LOL!

engz said...

haha..ayoko na magtrabaho sa hospital syeet,hihi...

ayoko nga mag post mortem care. paki ko kahit mag rigor mortis na yan...haha

hala....

cors said...

hehe,you can't wait to work night shifts...I'm telling you my dear,nakakawala siya ng social life at love life.hehe,,,based on my own experience lang.pero ibang setting naman sa'yo.oh well.God bless!

NAbuhay ulit ako!hehe

KC said...

@ Engz: Haha! Actually ako rin ayoko ng post-mortem care. Gusto ko ang makisawsaw sa mga code pero hanggan dun lang.

Magtrabaho ka pa rin sa ospital magandang adventure.

Ngek. =)

KC said...

@ Cors: Uy, resurrected ka na naman. Haha!

Ah okie lang yun. Kahit naman sa mga nurse it applies din na pwedeng mawalan ng social life at love life kapag night shift. Pero kung ikaw ay isang maabilidad na tao, pwede kang makahanap ng social life at lablayp sa ospital.

Sus. Ano ba? Haha!

.: jackie :. said...

this is soo scary. haah.. naku kc, good thing ndi ako nagnursing. hehehe.. baka ndi ko kayanin. pero maganda d2 exciting ung ganitong shifts. kaso lam mo un. kelangan matapang ka and all. ahihihi..

buti nalang i read this ngaun. nand2 kxe ako sa office.hehe ;)

scary din kwento ni ruff. nakakaloka.hehe

KC said...

Oo nga ateng, kaloka yung kay Ruff. Mas ok din ang night shifts kasi di masyadong busy katulad ng sa umaga. Ayoko kasi nung mga pasyente at bantay na mas marunong pa sa iyo. Haha! Walang ganon sa night duty dahil tulog sila. Haha!

Dami pang kwentong katatakutan pero, di ko na muna ikukwento. =)