Looking for Something?

Tuesday, 11 September 2007

The Revenge of Beach Walk

I was at SM Sta. Rosa yesterday and I was intrigued by this item: Beach Walk wedge flip flops. O san ka naman dun? Beach Walk is back with a vengeance. Masyado kasing hinamak ang Beach Walk nung nauso ang Havaianas at ang Crocs. Ayan tuloy, bumagon siya upang maghiganti. Wehe! Sorry at malabo ang kuha ko dahil di ko na hinintay ang auto-focus kasi ang sama na ng tingin sa akin ng salesperson.


Pati ang presyo naghiganti...Php 250 na ang isa. Patay tayo dyan! I tried it on and it's comfy too. I want this. Yun nga lang hindi ako bumibili ng rubber slippers na mas mahal sa Php 100. Nyahaha! In fairness, meron na din itong kahon:


Para ba itong drama movie ni Ate Shawie (o Ate Vi?!) na "Babangon Ako at Dudurugin Kita?"

5 comments:

Mayeth Beringuela said...

hehe nakakatuwa naman. meron din ako nyang nasa picture mo... kuripot talaga ako pero pagdating sa tsinelasbeachwalk talaga ang binibili ko dahil matibay talaga..in fairness, 10years na ata yong pinakaluma kong tsinelas andun sa labas ng bahay ulanin at arawin sya dun buhay pa rin hanggang ngayon. syempre bukod yong beach walk na pansuot ko sa loob ng bahay.. at natuwa ako meron na rin sila nong medyo matanggkad na style.. kaya kahit medyo malaki sa akin ang size 5 ( sana merong size 4 and 1/2) :D gusto ko sanang magkaron ng marami pang beach walk slippers kaso lang pag pumupunta akong SM Lipa walang size available para sa akin huhuhuhu... gusto ko ng black, light pink,yellow at red...ang nabili ko pa lang, green (kamukha ng nasa picture ), brown at white .. saka blue na bulaklakin

KC Cervales said...

LOL. Lupit mo, sister! Kaya mong bilihin yan kasi affordable naman. Kung marami nga lang akong pera, mamamakyaw din ako..sabay sabi sa mga namimilit sa akin bumili ng Havaianas, : "Bakit, keri nyo ba bumili ng Beach Walk? Walang basagan ng trip."

Mayeth Beringuela said...

hehe maganda naman eh... aanhin ko ang isang havaianas kumpara sa limang bech walk diba?

Mayeth Beringuela said...

tsaka mas maganda ang beach walk di na kailangang pekein.. dami sa palengkeng havaianas kuno.. :D

KC Cervales said...

True.