Looking for Something?

Saturday, 17 November 2007

Siya at Ako

Nanood kami ni Mommy at Toper ng Da Vinci Code sa HBO. Syemps, pinakita ito:


Ayan tuloy, naantig ang aking damdamin at naalala ko na naman siya...

KADRAMAHAN HISTORY 101:
Inasar ko siya dahil may nakita akong solo picture niya na kakaiba. Ang landi kasi, naka-pose ang lolo nyo sa may right side ng pyramid na iyan...parang ad sa magazine. Tawang-tawa ako sa hitsura niya nun kasi mas malandi pa sa akin. Hindi naman napipikon pero ginagantihan din ako ng pang-aasar.

~*~ Dahil sa asaran na iyan, dun na nagsimula ang lahat.

Minsan, ang sarap balik-balikan kung paano kami nagkakilala at naging close. Kaya lang parte rin ng kwentong ito ang ka-shungahan naming dalawa nang maharap kami sa maraming problema.

Nagpadalus-dalos siyang magdesisyon. Kagaguhan.
Sana hindi siya nagmadali...para naintihan niyang mabuti ang lahat.
Nagpaliwanag siya pero hindi ko siya pinakinggan. Kagagahan.
Sana nakinig ako...para kahit kaunti ay naintindihan ko siya.




Howie Day - Collide

Hindi kami nagkaintindihan kaya nalunod kami sa drama. Sa sobrang kadramahan, binura ko yung lahat ng pictures namin saka binali ang CD(RW). Siya naman, ayon sa kanyang kapatid, nilagay sa bodega ang painting ng dolphin na bigay ko sa kanya. Yeahboi! Iyan ang topak.

Pero sa bandang huli ay nag-usap kami, nagkaliwanagan at nagkapatawaran. Ayos! Natutunan namin na kailangan ng open communication at ng sandamukal na understanding.

...at pareho pala kaming EMO. ;p

10 comments:

just mike said...

ang sarap magmahal...


aiiii...

tapos may ganyang kanta.syettt..

hehe.

sya padalus-dalos.kaw nagbibingi-bingihan.ansarap..haha.bagay
na bagay.anlandi mo case, hahaha.

at dolphin talaga ang binigay.hehe.sayang din ang cd. sana may back up files.hehe.

yung mga open communication at understanding chuva na yan, minsan dapat di yan pinapairal. minsan masarap makipag-away eh.kasi alam mong, may mas exciting na mangyayari pagkatapos ng away...

anlandi ko..hey, ganda nung kanta.download ko yan.

-you and i collide...


lalalalala...collide...lalala.hehe

KC said...

Ay naku, nung sinumpong kaming dalawa, tamang-tama ako diyan sa kantang yan.

Pero mas malandi ka pa rin. Haha!

Mahilig kasi siya sa sea creatures katulad ng syokoy (charos) kaya de painting ang birthday gift ko sa kanya...at ang masama sa CD, wala akong back-up file kaya ni isang picture namin, walang natira.

Masarap mang-asar. Hindi kasi ako nang-aaway, di katulad mo (CHOS!). Atsaka yang open communication at understanding ek-ek na iyan, kailangan ng dalawang sabog para magkaintindihan.

Ikaw ha, ang hilig mo sa kadramahan. Pero true, maganda nga ang kantang iyan. =)

Poli said...

Ang mahalaga ay nagkapatawaran na at loving-loving na ulit! Nyahaha!

rich said...

aha!!!!!maraming alaalang sinayang...


tsk tsk GAGA ka talaga


heller


ee-ki
icky
ik-ee



mukha namang all's well eh
para naman sa future niyo ang ginagawa niya charos!


hhhhaaaaaaayyyyyyy

KC said...

@ Poli: Kerek. Tapos asaran ulit..tas away, tas bati. Joke. =)

KC said...

@ Richie: Haha. Hindi ko sinabi yan sa inyo dahil panigurado, GAGA ang labas ko sa inyo..well which is true. Harhar!

All's well nga naman as of now. Haha.

Future? Gaah! Don't freak me out.

gasti said...

nakow..away bati..hehe! ganyang ganyan kami.. ang saya ng buhay.

sayang naman yung painting dapat pinicture-an muna bago sinira.

KC said...

@ Gasti: Hindi naman away-bati. Loko lang yun. Asarang walang pikunan lang.

Hindi naman niya sinira..tinambak lang sa bodega.

McRey said...

HAY...

Pero things will be a better the next time...okay n kayo?

Diba love is sweeter the second time around?

MARIMAR!

KC said...

Yep. Ok na ok na.
Totoo ang second time ek-ek

AWWW!