Looking for Something?

Monday, 22 March 2010

Mahal Kong Biochemistry,

Gusto ko lang humingi ng tawad dahil di pa nag-uumpisa ang klase ay isinusumpa na kita. Actually, di pa nga ako nakakapag-resign sa trabaho, inaayawan na kita. Nakakailang page pa lang kasi ako ng nababasa sa Bettelheim’s Introduction to General, Organic and Biochemistry na librong hiniram ko sa kapatid ko, hilong-hilo na ako.



Siguro di lang tayo nagkakaintindihan. Paano kasi, kung kailan ko naiintindihan ang topic at kapag aral na aral ako, bumabagsak ako sa module exams. Tapos kapag naman joke time ang pag-aaral ko, saka ako pumapasa. Eh kung tutuusin ay 70% kadalasan ang aking level of preparedness. Kaya tuloy madalas akong tinatamad na basahin ang Harper’s Illustrated Biochemistry dahil magkakalokohan lang tayo.

Kahit ganun, naging mabait ka pa rin sa akin kaya gusto kong magpasalamat. Kung di dahil sa iyo, di ako makakabakasyon ng maaga. Pero di ibig sabihin nito ay favorite subject na kita. Sakto lang, pare. Sakto lang.

Lubos na gumagalang,
KC

No comments: